Psalms 129

Dalangin Laban sa mga Kaaway ng Israel

1Mga taga-Israel, sabihin ninyo kung paano kayo pinahirapan ng inyong mga kaaway mula nang itatag ang inyong bansa.
2“Maraming beses nila kaming pinahirapan mula pa nang itatag ang aming bansa.
Ngunit hindi sila nagtagumpay laban sa amin.
3Sinugatan nila ng malalim ang aming likod, na parang lupang inararo.
4Ngunit ang Panginoon ay matuwid, pinalaya niya kami sa pagkaalipin mula sa masasama.”

5Magsitakas sana dahil sa kahihiyan ang lahat ng namumuhi sa Zion.
6Matulad sana sila sa damong tumutubo sa bubungan ng bahay, na nang tumubo ay agad ding namatay.
7Walang nagtitipon ng ganitong damo o nagdadala nito na nakabigkis.
8Sanaʼy walang sinumang dumadaan na magsasabi sa kanila,
“Pagpalain nawa kayo ng Panginoon!
Pinagpapala namin kayo sa pangalan ng Panginoon.”
Copyright information for TglASD